Ralph Lester & Kathrina’s Wedding Proposal

0
4440
views

This is our story:

We are engaged since last February 21 2016. Here’s our story. Matagal na kami ni Ralph. 14 years na kami nung October. Early 2015 I always asked him “kailan ba tau magpapakasal, kailan ka ba kc magppropose? Matanda na ko oh” (by the way im 29 years old right now) alam ko nman na may iba nasa 30’s 40’s kinakasal kaya kung iisipin nyu ano naman teh nasa kalendaryo pa edad mo. Haha. Well, dahil siguro sa tagal na namin and i need an official security. May ganun. Haha. I started to asked those things when I became 27years old. Pangarap ko talaga na by the time 26-27y/o na ko kailangan kasal na ko at magkakaanak maybe because nasa isip ko na mas maganda at healthy si baby pag nanganak ka ng ganun edad haha (I came from a religious family so bawal ang anak muna bago kasal) at syempre ang dami ng nangungulit saakin at nagtatanong kung kailan ba kami magpapakasal dahil halos lahat sa barkada kami na lang ang hindi pa kasal (to think na kami yung mag long time girlfriend at boyfriend) Kaya kinukulit ko na sya what he always answered “saka na wala pa tayo pera!” “Darating tau dyan” ofcourse as long time girlfriend sa tagal na namin iniisip ko bat ayaw mo pa? ayaw mo pa bang mag settle down? ayaw mo ba saakin nghahanap ka pa ba ng iba? May mga ganun akong katanungan. Up until nung February 2016. Heto na..  Sa halos araw araw kong tanong sakanya alam ko naman na magppropose na sya, what it surprise me was how he delivered it. Sa isip isip ko alam ko na mangyayari ang di ko alam may twist pala 🙂 February 21, 2016 It was sunday. At alam ko ng magppropose na sya haha. (Nakakaloka kasi dahil sinasabi nya ung details sabi nya magddinner daw kami tapos aun dun daw sya magppropose) nkakaloka diba. Alam ko na haha. So eto na nga. After namin umattend ng 1st service sa church (9am-11am) nagpaalam kami sa parents ko na magpupuntang tagaytay to celebrate my post birthday celebration with friends pumayag naman sila. Yung mom ko naiwan sa church dahil isa sya sa mga usheret sa church at mamaya pa syang hapon uuwi. Yung dad ko naman after namin mag church nauna na sa bahay at umuwi na. Nagdaan lang kami ng Robinsons Place Ermita dahil bibili daw sya ng bola at magbabasket ball daw silang boys after bumili dumiretcho na kami ng Tagaytay. Medyo natrafik kami sa pag punta. Halos 2:30pm na kami nakarating sa Piña Colina at pag dating namin nandun na ang barkada. Kamustahan, chikahan kaming mga babae at ang mga lalaki nagiikot at nagbbillards. Gutom na kami at walang food so inaya ako ng iba namin barkada na lumabas ng resort at bumili ng food sa market hndi ko kasama si ralph dahil pagod daw sya sa pagddrive at magrrest lang daw muna sya. So lumabas na kami. Inabot kami halos ng 1hour sa labas including the trafik. Nbabagot na din ako dahil sa isip isip ko bat pa kasi ako sinama bumili gusto kong mag beauty rest din dahil sabi nya magddinner kami at dun sya magppropose. Nakabalik kami around 4pm na ata un. Hinanap ko si ralph sabi nila nasa taas daw natutulog so ang ginawa ko yung mga binili naming food inayos ko na sa lamesa dahil gutom na gutom na ko at for sure gutom na din sila at si ralph. nagtataka ako isa isa silang umaakyat at iniwan nila ako sa pagaayos ng pagkain ang akla ko umaakyat sila to call our friends para bumaba na at kumain. Maya maya sabi nung isa naming friend. “Lika akyat muna tau maya na muna yan picture, picture muna tayo sa taas at akyat na muna natin mga gamit” then I was like “Ok” (kahit gutom na gutom na talaga at inuna pa ang mag picture) so, nagbuhat ako ng mga gamit namin nung nasa taas na kami nawweirduhan ako saknila dahil lahat sila nakatingin sakin tapos kinuha nila yung dala kong gamit iniinsist at pinipilit nila ako na pumasok na sa kabilang kwarto para gisingin at tawagin na si ralph. Ang weird talaga nila at natatawa ako sknla. Pag bukas ko ng pinto nakita ko puro petals sa kama with laptop na nagpplay yung video namin na may cake sa gilid na nakalagay “Kath, will you marry me?” Nakita ko si ralph sa gilid may hawak na box ng ring at boquet of pink flowers Lumapit ako sakanya with a shocked face inabot nya sakin yung flowers. Nagulat ako dahil di ko expect ganito ang setting at ang pinaka nasurprise ako paglingon ko sa gilid nandun sila mommy at daddy kasama ang mama nya. Dun ako ako napaiyak. Dahil sinama nya yung parents ko sa memorable event ng buhay ko na di ko aakalain magpparticipate sila. Gulat na gulat talaga ako (sorry pero exagerated talaga haha) Naiiyak ako habang lumuhod si ralph at nagtanong “Will you marry me?” Then I embraced him and said “Yes” (with nginig factor dahil nandyan ang parents) Nagtawanan pa nung hndi alam ni ralph kung saang daliri nya ipasusuot yung ring saakin (Sigawan yung mga friends namin) “Sa left. Sa left!” Haha. Pagkatapos ngpicture picture na kami. And the rest was history. Haha. By the way kung gaano kami katagal na mag boyfriend girlfriend ganun din po kami katagal na engage. Joke! Haha. We are getting married this October 18, 2017. 1 year and half din kaming engage. (Parang ayaw talaga akong pakasalan. Hehe. Joke lang) We are securing funds kasi 🙂 Un lang 🙂

Sorry medyo mahaba. Nadala lang po ng emotion 🙂

Sender: Kathrina Adlao

Names of the engaged couple: Ralph Lester Fonacier and Kathrina Adlao
Target Wedding Date: October 18, 2017
When & Where the Proposal was held: Piña Colina, Tagaytay

Comments

comments

SHARE