Jayferson & Gelselma’s “Of Sunset and Ring “ Wedding Proposal

0
4613
views

First trip namin na magkasama sa span ng 4 years namin together, pinaka-unang pinlano namin for us to travel together. Habang papalapit yung date ng travel, Jan 30 – Feb 6, nagkakaproblema pa ko sa work , at muntik na maging dahilan ng di ko pagpunta. Pero thanks be to God, natuloy ako! Then, we started our very spontaneous trip! May pinaggayahan kami ng itinerary pero di naman talaga namin nasunod and bilang ganto na ang nangyari, we just booked a hotel in the city for one week para iwanan ng mga gamit kasi mahirap naman magtravel dala lahat ng gamit. Tapos sa ibang accomm na kami nagsstay pag dun na kami inabutan ng gabi. Buti na lang we are traveling on a weekday kaya may available rooms naman sila. Jump to the 5th day of our trip. From Cebu City, sumakay kami ng ferry papunta sa Camotes Island na sobrang ganda at peaceful, btw. Like the usual tourists that we are, we rented a motorbike along with a guide to tour us around the island. It took the whole day to explore different places in the island, and there are so many amazing places there. Then, when it’s almost sunset, nagmamadali na kami makabalik sa accommodation kase nga gusto ko mawitness ang sunset by the beach dahil sobrang gustong gusto ko ang ganong view. While travelling back, restless na si Jay dahil pawala na talaga yung araw. Luckily, nakaabot naman kami sa sunset. Sobrang ganda ng view na yon. At sobrang tahimik sa resort kase wala kaming ibang nakasabay na turista. We had the beach all by ourselves. Since naabutan namin ang sunset, napagusapan kase namin na kailangan may picture kami together na ang background namin ay sunset, so sinetup nya na ang cam and we took a few photos, him taking pictures of me and the camera along with the tripod taking pictures of us. Tapos diba uso naman yung i-dawn zulueta mo ko. So I asked him na kumuha kami ng ganong picture pero di nangyari kase di nya ko kaya i-angat! Haha. Then suddenly, he asked me na tumayo dun sa stone tas humarap sa dagat doing the oble pose (isasama ko na rin sa ipapadala kong picture para lang mavisualize yung story haha kase yun yung panahon na inaadjust nya ang cam para macapture ang magandang set of clouds as background at kinukuha yung singsing sa lalagyan ng cam! He had to make sure I am facing the sea para hindi ko makitang dinudukot nya sa pinagtataguan nya. Sa buong trip namin, nandun lang pala yung singsing tas di ko man lang napansin! Kaya pala everytime na hawak ko yung camera bag, kinakabahan daw sya kase nga baka makita ko! Buti na lang hindi kase kung nagkataon masspoil ang proposal), tas naiinis na ko kase nga ang tagal nya e masakit sa paa yung bato no. So nagagalit na ko, sabi nya, saglit lang daw kase inaayos nya pa yung cam. And so, I waited… Then, he shouted, “O baba ka na. Dun ka naman sa other side.” This time, nakaharap na ko sa cam, pose pose tas sya click click lang. Then suddenly, he shouted, “Gusto mo ba ng sweet na pose?” Sa loob loob ko non, akala ko gagawin na namin ang i-dawn zulueta mo ko pose. After that, everything happened so fast… He set the timer and tumakbo papunta sakin, pero imbis na yakapin ako o kung ano mang sweet pose ang gawin namin… He knelt down and asked, “Will you marry me?” Na-freeze ako. I can’t move. As in napatakip ako ng bibig, yung parang pag nananalo yung mga Miss Universe. Tas parang wala na kong ibang nakikita sa paligid ko, sya na lang na parang naggglow. Tas takang-taka pa ko, tinanong ko pa sya, “Totoo ba yan?” Di pa rin kase talaga ko makapaniwala kase naman akala ko nasa fairytale ako. Yung baka pag pumikit ako tas pagdilat ko, nakatayo lang sya at tinititigan ako at magtatanong kung ano na namang nangyari sakin. Pero hindi, nakaluhod ka pa rin talaga. Naghihintay ng sagot ko. It took me a while, pero nung natauhan naman akong nasa totoong buhay tayo, I finally said, “Yes!”

Sender: Gelselma Aguilar

Names of the engaged couple: Jayferson Ladrera and Gelselma Aguilar
Target Wedding Date: July 16, 2018
When & Where the Proposal was held: February 4, 2016. Camotes Island, Cebu City.

Comments

comments

SHARE